Saturday, October 24, 2015

Ang Kahirapan.

Ang kahirapan ang isa sa hindi masolusyunan na suliranin ng bansang Pilipinas. Maraming tao dito sa aming bansa ang nag hihirap. Ang kahirapan ay nakaka apekto sa mga mamamayan sa ibat ibang paraan pero ang kadalasang nangyayari ay kapag mahirap ay nawawala ng pribilehiyong makapag aral at alam naman nating lahat na ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan. Pero hindi naman sa lahat ng pag kakataon ay ganon. Mayroon din namang nayaman, isa sa halimbawa ko ay si Binay noon siya ay mahirap at nagsumikap upang yumaman isa na din dito ang mga kamaganak ko na matatawag na living proof. Pero paano natin malalaman kung ang isang tao ay talagang mahirap? 


Ayon sa aking nakalap  
Upang hindi maituturing na kabilang sa hanay ng mga "mahihirap," kailangang kumita ang isang pamilya sa Metro Manila ng hindi bababa sa P12,000 hanggang P16,000 buwan-buwan.



Kung dalawang miyembro ng isang pamilya ay kumikita ng parehong minimum wage, lalampas sila sa tinatawag na “poverty threshold” ng Social Weather Stations (SWS).


Itinuturing ng 55 percent ng mga pamilyang Pilipino nitong nakaraang buwan ng Hulyo na sila ay “mahirap,” ayon sa isang survey ng SWS na ang resulta ay inihayag noong Hulyo 28.

Sa paningin ng gobyerno
 
Tingnan naman natin ngayon ang mga statistics ng gobyerno.
 
Dalawang set ito. Ang una ay ang poverty threshold computation ng National Economic and Development Authority (NEDA). Ang ikalawa ay ang mga resulta ng Family Income and Expenditure Survey (FIES) ng NSO.
 
Ayon sa NEDA, 25.2 percent ng buong populasyon ng Pilipinas ang dukha o below the poverty line or threshold. Ngunit kung pamilya ang bibilangin, 19.7 percent umano ang dukhang pamilya.
 
P7,890 kada buwan kada pamilya ang poverty threshold ng gobyerno sa 2012. Mas mababa talaga ito sa P12,000 - P16,000 ng SWS surveys.
 
Ang food poverty threshold ng gobyerno ay P5,513 habang ang sa SWS ay P6,000 sa NCR, P5,000 sa Luzon at Visayas, at P4,500 sa Mindanao. Mas mababa kasi ng ang presyo ng pagkain sa pamilihan sa probinsiya kaysa sa Metro Manila.


 

Kung hindi pa niyo nababalitaan, pinagsanib na sa iisang ahensiya, ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang ilang mga sangay ng gobyerno na statistics ang pinagkakaabalahan. Kabilang na dito ang Census o National Statistics Office (NSO).
 
Ang pinakabagong datos na FIES ay mula sa 2012 FIES.
 
Kung pagbabatayan natin ang poverty threshold sa SWS survey, ang kita dapat sana ng isang pamilya sa isang taon ay P144,000 – P192,000 para hindi na maging “mahirap.”
 
Ayon sa datos ng 2012 FIES, 6.133 milyong pamilyang Pilipino ang hindi aabot sa P100,000 ang kita sa isang taon.

- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/372499/news/ulatfilipino/sino-ang-mahirap-sa-pilipinas-unawain-ang-datos-ng-sws-at-census#sthash.MhOPNAAo.dpuf


Pero para saakin kung ating tutuusin hindi accurate ang bilang na ito dahil hindi naman lahat nakuhaan ng datos, kami nga ng pamilya ko hindi natanong kaya masasasabi ko na hindi ito ganoong ka tama.